Ako si CLYDE. 5’4”.
Nang nagsabog ng kakulitan at ligalig sa sandaigdigan, buong
lakas at pagkatao ko itong sinalo. At ngayon ay hayaan niyo akong ipasyal ko
kayo sa munti, makulay at makulit kong mundo.
Mula pa noong bata ako, hindi lang clyde ang pagkakakilala
sa akin ng tao. May tatawag sa akin ng pandak, ng bansot, ng unano, duwende,
lamanlupa, engkanto, bonsai, punggok, petite, elf, leprechaun at dwarf. Ngayon
ay nauso na rin akong tawaging bulilit sabay kakanta ng: "bulilit bulilit ang
liit liit", at hobbit na minsang itinawag sa akin ng Rector.
Hindi pa nakuntento ang mundo sa pagkutya sa akin. Mula
preschool hanggang ngayon ay hindi na ako nahihirapang sundin ang salitang
“find your height.” Wala ng kaso, alam ko kung saan ko ilalagay ang sarili ko.
Dati, tuwing magpapagupit ako, kailangan pang lagyan ng barbero ng bangkuan ang
upuan para lang maabot niya ang buhok ko. Tuwing sasakay ako ng jeep, sisigaw
si mamang driver ng: “bayad ba yang bata?” Sabay sasabihin ng katabi ko: “bata,
bayad ka na daw ba?” August 18, 1997, 12th birthday ko, dahil bumagyo at
bumaha sa eskwelahan namin sa Buedia, Makati ay kailangan ko pang pumasan sa
kuya ng classmate ko para makatawid sa tubig na kung tutuusin ay lampas tao na
sa akin. Hindi na bago ang ganitong mga istorya sa buhay ko. Minsan na rin
akong pinagkamalang minor student ng mismong Obispo kong si bishop cortez at
nmoong lingo, tinanong ako ni Fr. Larry Abaco: magpapari ka ba? Abot mo ba ang
ambo?
Tila nakakatawa ang mga ganitong yugto sa buhay natin pero
hindi na nakakztuwa kung palagi ka na lang pinagtatawanan dahil sa mga bagay
hindi mo naman inasam. Wala naman sigurong taong nangarap na maging
kasingtangkad lang sila ni Gloria Macapagal Arroyo, ni Jose Rizal o ni Carlos
P. Romulo. Naging isang malaking balakid sa akin ang aking taas. Tampulan ng
tukso. Bida sa asaran ng iba. Pero kung tutuusin sinong mag-aakala na ganito
rin ang tangkad ng mga taong nabanggit ko. Kahit na anu pang sabihin nila,
nagawa ni GMA na maging pangulo at ilang babae ba ang nabighani sa hilatsa ng
mukha at tindig ni Jose Rizal at ilang bansa ba ang nakinig at pumalakpak sa
lupit ni Carlos P. Romulo.
Nagiging madali sa ating ikahon ang mga tao dahil sa kung
anong itsura at kung anu-ano pang pisikal na kaanyuan nila, pero alam ba natin
ang tunay nilang nararamdaman at tunay nilang kakayahan. Alam
mo ba? Alam mo ba ang tunay kong kakayahan? Marahil ay hindi dahil hindi naman
ikaw ang nasusugatan, dahil hindi naman ikaw ang nahihiya, dahil hindi mo rin
naman gugustuhing mapahiya.
Noong mas maliit pa ako at binabagyo ng mga ganitong
sitwasyon at tila pinagkaitan ng mundo, dalawa lang ang hiling ko: una,
syempre, ang tumangkad ako at pangalawa, ay gusto kong magkaroon ng kuya.
Gusto kong tumangkad. Noong kabataan ko, habang naglalakad
ako sa kalye, walang anu-ano’y may sisigaw: “Pandak.” Uulitn ng dalawang ulit:
“Pandak. Pandak.” Uulitin ng pangatlo hanggang lahat na ng bata sa paligid ko’y
animo’y parang korong walang misyon sa mundo kung hidni ang asarin ako. Hindi
ko naman sila kilala ni hindi ko man lang sila mamukhaan. Sikat ang feeling
pero pangungutya ang binabato nila sa akin. Pag-uwi sa bahay, mas lalong
lumalalim ang sugat mula sa pambabato nila sa akin. Wala naman akong
ginagawa sa kanila, ito ang kadalasang drama ko sa mama ko. Ang pamatay
kong linya: “hindi ko naman kasalanan kung hidni tumalab sa akin ang 1,6,12 o
ang cherifer o ayoko ng star margarine.” Dahil ako ang panganay na anak,
ang panganay na pamangkin at apo, wala akong takbuhan kung di ang mama ko.
Noong una, sumusugod pa kami kapag OA ang kwento ko para makaganti pero
paulit-ulit na lang ang sitwasyon. Kaya patuloy ang bulong ko, “gusto ko ng
Kuya.” Sabi ko kung magkakakuya ako, sasamahan niya akong rumesbak. Tipong
buong yabang kaming mag-aabang sa kanto para harangin yung batang nang-away sa
kin. Kasama ng kuya ko, babalikan namin ang mga sipuning batang walang
pakundangang umagaw ng bag ko at inilagay sa mataas na bakod.
Tanong: tumangkad ba ako? Nagkaroon ba ako ng Kuya?
Kahit papaano, mula sa height na 4 feet noong first year
high school eh tumangkad naman ako. Pero hindi man lang umabot sa 5’4” na
binabargain ko. Pero hindi na pagtangkad ang punto ngayon. Ang aking unang
punto, wala sa laki o taas ng isang tao ang kanyang kabuuang kapasidad. Sinong
mag-aakalang mababago ni Rizal ang kasaysayan ng Pilipinas. Sinong mag-aakalang
ang taong ito na nasa piso ay ang tatalo sa giting ni Andres Bonifacio para
maging pambansang bayani, pambansang ehemplo? Hindi man ako kasing talino ng
idol kong si Rizal, kahit papaano’y alam kong may laban din ang utak kong
makipasabayan pakanan man o pakaliwa man ang pag-inog ng mundo. Sabi nga ni
Lolo, “Anumang magaling, kahit na maliit, basta’t malimit ay patungong langit.”
Sa isang linya sa pelikula, sabi ng petite na si Joyce Jimenez: “my brain is
even bigger than my boobs.” Kung iisipin, matinding palakihan ng paniniwala at
palakasan ng loob ang buhay. Hindi sa patangkaran ang laban, kung hindi nasa
patapangan. Hindi ko alam kung totoo pero sabi nila takot daw ang elepante sa
daga, kung totoo nga, nakakatawa.
Oo, nagkaroon ako ng kuya pero hindi resbak ang solusyong
binibigay sa akin tuwing magsusumbong ako. Wala sa plano niyang pasabugin ang
bungo ng umaaway sa akin. Ang kanyang bilin, nakakapagod, pero may talab at
lalim. Sa mga sitwasyong: “Kuya, may umaaway sa akin!” “Clyde, prudence and
patience.” “Kuya, inaaway niya ako ulit!” “Clyde, more prudence and more
patience.” “Kuya, tatlong beses, apat na beses, limang beses niya na akong
inaaway!” Sa huli, ngingitian niya na lang ako sabay sabi, “makulit ka talaga!”
Prudence and patince, pagpapasesya at pagtitimpi. Ang ideya ko sa pagganti ay
ang pambubugbog sa mga taong umaaway sa akin. Haharangin ko sila sabay
didibdban, babatukan hanggang magmakaawa. Duduruin ko sabay magyayabang, “ano
lalaban ka pa?” Ito ang konsepto ko ng pagganti dahil alam kong hindi ko ito
kayang gawin. Pero may lalim at talab nga ang pagpapasensya at pagtitimpi. Ang
aking pangalawang punto, mahirap magpakabait pero mabuti ang magpakabuti.
Magbalik-tanaw tayo sa kalaliman ng ating mga hinagap at
hinuha, may pagkakataon bang hinamak natin ang ilan dahil sa hindi nila
kalakihan o katangakaran?
Alalahanin natin kahit si Zacheo ay tinawag ni Kristo.
Makalipas ang maraming pagsikat ng mga araw at pagyao ng
buwan, namanhid na ako sa pagkutya ng mundo. Paalala: ang pangalan ko ay hindi
pandak, bansot, unano, duwende, o bulilit.
Ako ko si Clyde. 6-footer. Sa mga ayaw sumang-ayon, sa
mga natawa, sa mga nagtaas ng kilay, pasalamat kayo sa kuya ko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento